Paano mag-MOVE ON?

Nagmahal, nasaktan at syempre ang kasunod noon, mag-momove on. Isa ito sa mga bagay na napakahirap gawin. Matapos ang masasayang araw na puno ng pagmamahal tila ginising ka na mula sa isang napakagandang panaginip at kailangan mo nang harapin ang mapait na katotohanang iyong kinakaharap sa kasalukuyan. WALA NG KAYO! Hindi na tulad ng dati. Paano muling mabubuhay  ng normal ngayong wala na siya sa piling mo? Paano mag-move on?  Kaya mo ba? Wala ka namang choice diba? Pwera na lang kung gusto mong maging martyr at magpakatanga.

Narito ang ilang mga paraan na sa tingin ko’y makatutulong sa ‘yo kung pinagdadaanan mo ang ganitong phase sa buhay mo. Here’s the 7 not-so-easy way:

  1. Umiyak ka. Iiyak mo na lahat.

It’s normal to cry because you’re hurt. Hindi madaling itago ang sakit na nararamdaman dahil kapag ginawa mo ito baka sumabog ka. Sabi nga nila, “Crying is good for the soul.”  It is one way to lessen the heaviness you feel in your chest. Hindi ikabababa ng pagkatao mo ang pag-iyak.

2. Pagtanggap sa kinahantungan ng relasyon niyo.

Isa ito sa pinakamahirap gawin sa pag-momove on. ACCEPTANCE. Mahirap? Alam ko pero kailangan mong tanggapin na wala na talaga kayo. Hindi na siya sayo at hindi ka na rin sa kanya. Baka naman kasi pinagtagpo lang kayo pero hindi itinadhana. Masakit na katotohanan. Some things are just really not meant to be. Remember, everything happens for a reason.

3. Palayain ang sarili mula sa sakit at hinanakit.

Patawarin mo na siya at ang iyong sarili. Kahit sino pa ang dahilan ng hiwalayan, parehas pa rin kayong may pagkukulang. Ang kapatawaran ay isang paraan upang mapalaya mo ang iyong sarili sa sakit at hinanakit na dulot ng nakaraan. Paano ka makakausad kung patuloy mong ikukulong ang iyong sarili dito? Learn to forgive him/her and most especially, yourself.

4. Mas mahalin at pahalagahan ang iyong sarili. 

Wala na kayo, baka naman iyong pagmamahal at pagpapahalaga na ibinigay mo sa kanya ay ibaling mo na sa sarili mo. Know your worth. Hindi ka na  niya pinahahalagahan kaya ibigay mo naman iyon sa sarili mo. It sounds cliche, but I have to say that you are not going to fall for the right person until you truly learn to love yourself.

5. Ituon ang atensyon sa mga taong handang iparamdam sa iyo ang totoong pagmamahal.

Hindi lamang ang boyfriend/girlfriend ang kayang magparamdam sa iyo ng totoong pagmamahal. Nandiyan ang magulang at mga kaibigan mo. It’s time to appreciate all the love and care they’ve shown for you. Ang mga taong totoong nagmamahal sayo ang makapagbibigay sayo ng tototong kasiyahan sa kasalukuyan. Kalimutan mo na siya dahil sakit na lamang ang kaya niyang ibigay sayo ngayon.

6. Kalimutan na ang mga bagay na sabay niyong pinangarap gawin sa hinaharap.

“Papakasalan kita kahit saan pang simbahan.” “Magiging masayang pamilya tayo.” “Sabay tayong tatanda.”

Ilan lang yan sa mga pangako niyang binitawan na ngayo’y napako na. Matuto kang kalimutan ang mga iyan sapagkat panghihinayang lamang ang magiging dulot niyan sa iyo. Sa tuwing aalalahanin mo ang mga katagang iyan, iisipin mong sayang ang aming pinagsamahan. Walang sayang dahil sigurado naman akong may natutunan ka sa relasyon mo. Gamitin mo yun sa hinaharap.

7. Huwag matakot na muling buksan ang puso para sa iba

Pag may dumating na bago, huwag matakot at pigilan ang puso na tumibok para sa kanya. Huwag matakot na masaktan muli dahil kaakibat iyon ng pagmamahal at alam kong mas matibay ka na sapagkat natuto ka na sa nakaraan. You can’t say that you totally moved on ’til you found someone whom can replace his/her in your heart. You deserve to love and to be loved.

 

Hindi ko masasabing kapag nagawa mo na ang mga nasa taas ay talagang makakamove on ka na. Nasa ‘sayo pa rin yun. Moving on is a choice. Mga opinyon ko lang ang isinulat ko. Choice mo rin kung maniniwala ka pero sana kahit papaano ay may natutunan ka mula dito. Hindi ako expert, walang experience. Ibinase ko lamang ang mga iyan sa mga nababasa ko at karanasan ng ibang tao. Yun lang. Salamat sa paglalaan ng oras upang basahin ang munting blog ko. 🙂

Advertisements

546 thoughts on “Paano mag-MOVE ON?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s